Saturday, December 31, 2011

Mag-kwento Ka : Mabuhay ang Kasinungalingan!

Para saan ang pagtanggi o pag-ako
kung sa simula pa lang
ika'y nahusgahan na?

anong kalokohan yan mga 'tsong?



"Karma ka tuloy", sabi ni Bab.

Hindi ko akalaing masusundan ang huli kong isinulat malay ko bang ang lahat ng naisulat ko ay lalabas sa kasalukuyang kalagayan ng buhay ko ngayon. Na sa bawat kwento mong maririnig may mabubuhay at bubunga ito ng isipin sa iyong utak.

Sinungaling ako. Bulaan atbp.

Mayroong magkatipan parehong kabataan
wagas ang pagmamahalan
labis ang pag-iibigan
sobra sa pagtitinginan

ang panaginip ng ina
kanilang ipinagbahala
yon pala meron na
hindi lang nila alam kung totoo nga

nagbunga at lumaki ba
ang lahat ay napraning na
nagalit ang itay ng malaman niya
sino ang batang ama wika niya

itinago ang lahat
pati boses na malat
ang luha'y bumaha
hindi alam kung paano magpapakumbaba

natapos na nag buwan
lumabas na sa taguan
nagpatuloy ang buhay
ang lahat ay walang malay

sino ang kaawa - awa
ang batang ina ba
sino bang may gawa
sa batang lalaki pa

BULAANISMO!


Sa kwento mo ano ang napala mo? Marahil nakabuhay ka. Lumalawak ang perspektibo mo sa kasarinlan ng mundo. Ipagpatuloy mo lang ang pag-katha ng kwento ng ang minsan mong ideya ay mabuhay at makapatay ka.

Ikaw siguro ay nagtataka at naaapektuhan na. Isa kang mangmnag at walang pakialam - kahit ito na ang pina ka-karumaldumal na krimen.

Kinakain ka ng lipunan tigilan mo ang iyong kalokohan. Ang lahat ng ito'y iyong malalaman kapag iyo ng pinagdadaaan.


May pakpak ang balita,
may tenga ang lupa,
matalas ang dila
patay kang bata ka.


12-26-11

TIBAY



ang lakas ng
iyong dating
dre'
para kang T3
ang bumangga giba
ang lakas mo
walang kapantay
walang kahina - hina
malamang ika'y
siga
ang lakas mo 
lalampas ang
ang lahat ng timang
na maririnig
mo.
ang tibay mo
tingnan mo
ang abo mo.


nang minsang sumabog ang utak ko at nagtae ang ballpen ko na kumalat sa keyboard na inaamoy niyo ngayon.

12-14-11

MAGISISING DIN AKO (walang bilang)

panay na panay, hiling - hili ... 




sa pagdating ng araw na yaon
magigising din ako at paroroon
sa realidad ng buhay
kung saan may lamay

sama - sama ang lahat
at waalng mamalat
ang lahat ay magsisigawan
'pagkat andirito na ang buwan

kung saan tayo'y sasagwan
patungo sa kung saan
sila ay magagalak
at tayo'y maitutulak

walng katiyakan na magaganap
at hindi natin alam ang hinaharap
walang ibang makakalam
sapagkat wala tayong paalam.

baw.
(TambayanMoAngLugarNaItoNaParangSayoBaIto??)

12-14-11